PINOY CAREGIVER NA HINOSTAGE NG HAMAS BALIK-BANSA NA

LIGTAS na nakauwi sa Pilipinas ang Pinoy caregiver na si Gellenor “Jimmy” Pacheco kaninang umaga.

Si Pacheco ay sinalubong ng kanyang pamilya, government officials na sina Department of Migrant Workers Officer-In-Charge, Usec Hans Leo Cacdac at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Chief Arnel Ignacio, iba pang government official at Israel Ambassador to the Philippines Ian Fluss sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

October 7 nang umatake ang Hamas militant sa Gaza Strip kung saan mahigit 300 katao ang dinukot.

Iba’t ibang lahi ang dinukot ng militante at kabilang si Pacheco sa mga biktima.

Sa pagbaba ng ceasefire sa bakbakan ng Israel Forces at Hamas noong November 24, kabilang si Pacheco sa mga pinalaya. EC