Nagbabala sa publiko ang nangungunang adhesives manufacturer sa bansa hinggil sa walang tigil na pagkalat sa merkado ng mga counterfeit elastomeric sealants na taglay ang mga pangalan ng iba’t ibang brands nito, kasabay ng pagsasabi na mapepeligro ang kaligtasan at integridad ng mga estruktura sa paggamit ng mga pekeng produktong ito.
Sa isang pahayag, nangako ang Bostik Philippines Inc. na patuloy nitong tutugisin ang mga indibidwal at grupo na nagbebenta ng mga counterfeit sealants na dala-dala ang brand name na “Super Vulcaseal Elastomeric Sealant” na siyang pinakakilalang elastomeric sealant sa pamilihan.
“The proliferation of counterfeit Super Vulcaseal Elastomeric taints the reputation of our company, a name we have built and protected throughout the years. We are determined to protect the good name of our brands by putting an end to the operations of nefarious individuals who manufacture, distribute, and retail fake Bostik products,” anang kompanya.
“As these were made outside our manufacturing facilities, Bostik cannot guarantee its quality, thus jeopardizing the safety of structures where these counterfeit products were used,” pagpapatuloy nito.
Ibinunyag ng kompanya na nilapitan nito ang National Bureau of Investigation na nagsagawa ng pagsisiyasat sa ilegal na kalakalan ng mga counterfeit elastomeric sealants. Makalipas ilang buwan ng case buildup at surveillance, sinalakay ng mga awtoridad ang apat na bodega sa Caloocan City noong Nobyembre 2022 kung saan nasamsam ang mga pekeng Super Vulcaseal products na nagkakahalaga ng milyon-milyong piso.
Tiniyak ng Bostik sa publiko na hindi ito magpapatinag at patuloy nitong sasawatahin ang pagkalat ng mga counterfeit Super Vulcaseal products.
“Our company is determined to exhaust all available legal remedies to prosecute all individuals and entities selling counterfeit Bostik products. We will not allow these individuals to put the consuming public in harm’s way by using fake Super Vulcaseal products,” anito.
Sinabi ng kompanya na kung may mga litrato o impormasyon ang publiko tungkol sa mga counterfeit Bostik products, maaari silang makipag-ugnayan sa (02) 7900-5656 o kaya’y mag-email sa [email protected].