PINOY CUE ARTISTS SIBAK SA WORLD CUP OF POOL

pool

NABIGO ang Pinoy tandem nina Roberto Gomez at Jeff De Luna na umabante sa semifinals ng World Cup of Pool makaraang yumuko sa Estonia sa Stadium MK, Milton Keynes sa England kahapon.

Makaraang gulantangin sina Billy Thorpe at Skyler Woodward ng US, 7-5, ang mga Pinoy cue artist ay kinapos kina Estonian partners Denis Grabe at Mark Magi, 9-4.

Matapos na maghabol sa Estonians, 6-1, nagawang kunin ng mga Pinoy ang rack upang tapyasin ang deficit sa 6-2.

Kinuha ng Estonia ang sumunod na rack subalit bumawi ang Philippines sa sumunod na dalawa upang makalapit sa 7-4, subalit ito na lamang pinakamaganda nilang nagawa.

Makakasagupa ng Estonia ang Germany sa semifinals.

23 thoughts on “PINOY CUE ARTISTS SIBAK SA WORLD CUP OF POOL”

Comments are closed.