PINOY DH VS CLEANING ROBOTS

cleaning robot

SINGAPORE – UMANI ng sari-saring reaksiyon mula sa mga overseas Filipino worker at Singaporean ang paglulunsad ng 300 cleaning robots sa bansang ito.

Ilan ang pabor dahil isang gastos lamang ang pagkakaroon ng cleaning robot na kapag nabili ay hindi na pasusuwelduhin kada buwan subalit tiyak ang maintenance fee o charges.

Hindi rin magkakasa­kit,  walang dayoff,  hindi napapagod, hindi kagaya ng tao.

Marunong silang kumanta, sumayaw, magpatawa at kaya ang apat na salita.

Gayunman, sinabi ng hindi pabor sa robot na limitado ang kayang gawin nito hindi kagaya ng human house workers.

Kabilang sa hindi kayang gawin ng robot ay ang magluto, maglaba at mag-alaga ng bata at nakatatanda.

Isa pa sa nais ng mga Singaporean sa Filipino worker at nanny na wala sa robot at sa iba pang human house workers ay ang compassion sa trabaho.

Sinasabing the best ang Filipino nanny sa pag-aalaga sa mga bata dahil napapamahal at naituturo nito ang magandang asal.

Sa kasalukuyan ay may 70,000 hanggang 80,000 houseworkers sa Singapore. EUNICE C.

Comments are closed.