PINOY DOMESTIC WORKERS SA LEBANON LUMAGDA SA FREE REPATRIATION NG GOBYERNO

Lebanon

BEIRUT – NASA 1,000 Filipino workers na karamihan ay domestic workers ang nagtungo sa Philippine Embassy sa Lebanon para lumagda ng free repatriation bunsod ng lumalalang krisis sa nasabing Middle East country.

Una nang nag-isyu ang embahada hinggil sa alok na free ticket ng mga OFW para makauwi.

Nagkakaroon umano ng gulo sa Lebanon dahil sa umano’y bumabagsak na ekonomiya.

“More than 1,000 Filipinos, mostly women with some children in tow, arrived in droves to the Philippine embassy in Beirut to register for free mass repatriation scheduled in February next year,” batay sa statement ng opisyal ng embahada roon.

Nagkakaroon ng sigalot sa nasabing bansa dahil sa mga ulat ng mga pang-aabuso.

Karamihan sa mga pumapasok na domestic helper sa Lebanon ay mula sa Philippines, ­Ethiopia, Sri Lanka at Bangladesh. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.