PINOY ENGINEERS AAYUDA

Transportation Sec Arthur Tugade

HANDANG tumulong ang mahigit 60 Pinoy railway engineers at technicians na kasalukuyang nagtatrabaho sa ibang bansa sa mga proyektong pang-imprastruktura ng pamahalaan.

Ito ang tiniyak ni Transportation Secretary Arthur Tugade matapos na pumirma ang mga ito sa application form at agad na uuwi kapag magsisimula na ang mga proyekto.

Matatandaang nagkaroon ng ground breaking ang Metro Manila Subway project noong Pebrero at inaasahang magsisimula ang drilling sa mga susunod na buwan.

Napag-alamang may haba ito na 36 kilometers mula Valenzuela City hanggang Ninoy Aquino International Airport.

Kasunod nito, inaasahan namang mabubuksan ang unang tatlong stations sa Valenzuela, Tandang Sora at North Avenue sa Quezon City bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.