PINAYUHAN ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. ang mga Pinoy fisherman na iwasan mangisda ng walang kasama sa karagatang sakop ng West Philippine Sea (WPS).
Ang babala ay kasunod ng panibagong insidente ng pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisda sa bahagi ng Bajo de Masinloc
“The best advice I can give is huwag mag solo-solo ang maliliit na fishermen. A lot of times also, we have fishermen rescued at sea because nagsosolo, and ‘magnanimously’ rescued by whomever, so there is strength in numbers,” payo ni Teodoro.
Kasabay nito, kinondena ni Teodoro ang ginawang pagtataboy ng China Coast Guard sa mga mangingisda sa Zambales na nangongolekta ng seashells malapit sa south entrance ng Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc.
“We have contingency measures and long-term plans for the West Philippine Sea. However, for incident response, it is the NTF-WPS (National Task Force for the West Philippine Sea) that is the sole authority for answering such queries, particularly in Bajo de Masinloc,” pahayag ng kalihim.
“But it does not go to say that we do not condemn the act of China, which has no business in harassing Filipino fishermen,” giit ni Teodoro.
Sa kabila ng nsidente, hinimok ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang mga Pilipino na mangisda sa bahagi ng Bajo de Masinloc.
“Naniniwala tayo na ang yaman sa WPS ay para sa Pilipino,” pahayag ni Tarriela at inamin na walang presensya ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong January 12, ang araw na itaboy ang mga mangingisda sa Bajo de Masinloc
“But we are now coordinating with the BFAR to make sure na itong ganitong lull time na nagkaroon ng vacuum of government forces will no longer happen,” paliwanag ni Tarriela.
Matatandaan na tinutukoy sa 2016 arbitral ruling ang Bajo de Masinloc bilang traditional fishing ground para sa mangingisda mula sa Pilipinas. PMRT