PINOY GYMNAST MAPAPALABAN SA GERMANY

Caloy Yulo

PATULOY ang kampanya para sa 2020 ­Tokyo Olympics ni Filipino gymnast Caloy Yulo kasunod ng kanyang bronze medal fi­nish sa World Artistic Gymnastics Championship sa Doha, Qatar.

Ayon kay Gymnastics Association of the Philippines president Cynthia Carrion, mula sa Doha, ang 18-anyos na si Yulo ay umaasang makakasabak sa Cottbus World Cup sa Germany sa Nob. 22-25.

“It’s not easy to qualify in the Olympics especially in gymnastics. That’s why he has to compete in all these tournaments,” wika ni Carrion sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon.

Inaayos na ni Yulo, ang unang Filipino gymnast na nagwagi ng medalya sa world championships, ang kanyang German visa. Ang top 24 gymnasts lamang sa Doha event ang inimbitahan sa Cottbus World Cup.

“That’s why we’re working on his German visa only now,” pahayag ni Carrion patungkol kay Yulo, na nagsanay sa Japan sa ilalim ni coach Munehiro Kugimiya sa nakalipas na dalawang taon.

Plano ni Yulo na ipagdiwang ang Pasko kasama ang kanyang pamilya sa Leveriza, Manila. Darating siya sa bansa sa Dis. 23.

“Then he’ll be off to more tournaments in 2019, including the next World Championships in Stuttgart, Germany. If he wins any medal there, he qualifies to the Tokyo Olympics,” ani Carrion.

“Let’s hope he wins a medal of any color in Stuttgart so then he can focus on the Olympics,” dagdag pa niya.

Pangungunahan din ni Yulo ang kampanya ng Filipinas sa gymnastics competition ng 2019 SEA Games sa Manila.

“We don’t want to put too much pressure on him but we are very hopeful,” ani Carrion.

Comments are closed.