PINOY HEALTH WORKERS IN DEMAND SA OMAN

MALAKI ang pangangailangan ng health workers sa Oman subalit ang mga aplikante ay kailangang bakunado.

Ayon kay Labor Attaché Gregorio Abalos ng Philippine Overseas Labor Office sa Oman, hindi bababa sa 350 ang job openings para sa nurses na may sahod na  P50,000 kada buwan.

Ang mga interesadong aplikante ay kailangang bakunado subalit sinabi ni Abalos na may ilang preferred brands na tinatanggap para sa mga nais pumasok sa naturang bansa, at hindi kasama rito ang Sinovac.

“Initially Pfizer, Moderna, AstraZeneca. But as time went on, Sept. 1, they lifted the deployment ban dito (here), they said Johnson & Johnson. I think except Sinovac, Sinovac ang hindi kasama,” aniya.

Ang mga aplikante ay papayagan lamang bumiyahe sa Oman,  14 araw matapos ang kanilang final vaccine dose.

Nauna nang nagpatupad ang Pilipinas ng cap sa deployment ng health care workers dahil sa pagtaas ng demand sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic.

May ilang bansa ang nakikiusap na taasan ang cap sa deployment ng mga nurse, kabilang ang Germany.

5 thoughts on “PINOY HEALTH WORKERS IN DEMAND SA OMAN”

  1. 186980 145173Wow, cool post. Id like to write like this too – taking time and real effort to make a good article but I procrastinate too considerably and never seem to get started. Thanks though. 859256

  2. 532715 632584Truly fighter messages are supposed to amuse offer praise into the groom and bride. Initial time audio system watching over the top places need to also remember you see, the senior guideline with the speaking, which is your specific person. finest man speeches brother 826188

Leave a Reply

Your email address will not be published.