MELBOURNE-NANGANGAMBA ang ilang Filipino health workers sa Australia bunsod ng lumalalang kaso coronavirus disease (COVID 19).
Sa panayam sa isa sa frontliner na si Bea ng Laging Handa ng PTV 4, bagaman mataas ang kalidad ng healthcare system sa Australia subalit hindi na naman sakop nito COVID test kit at upang masuri ay kailangan nilang gumastos.
Inamin din ng OFW na health worker, hindi nila kakayanin na gumastos pa lalo na’t limitado ang kanilang income dahil marami ang nawa-lan ng hanapbuhay makaraang pansamantalang magsara ang ilang establisimiyento.
“We are worried because we don’t know if there will be tomorrow, what is our future after this (COVID pandemic)” ayon kay Bea.
Karamihan din aniya ng mga health worker sa Australia ay mga estudyante kaya limitado ang kanilang kilos at matatakbuhan.
Tiniyak naman ni Presidential Communications Operation Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na makikipag-ugnayan ang Filipinas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa gobyerno ng Australia para tingnan din ang kaligtasan ng Filipino workers.
Nanindigan din si Andanar na pagkakalooban ng tulong ang mga OFW sa iba’t ibang bansa at hindi lang mga health worker. EUNICE C
Comments are closed.