PINOY JOURNO IMBITADO SA MEDIA FELLOWSHIP NG DPRI

IMBITADO ang lahat ng mga Pilipinong mamamahayag na sumali sa isang Media Fellowship na pinamumunuan ng Drug Policy Reform Initiative (DPRI) na layong lalo pang mahasa ang kakayanan ng mga Pinoy journo sa usapin ng droga kung saan apektado ang maraming komunidad sa bansa.

Hanggang ngayon araw, Marso 29 ang deadline ng pagpapadala ng online na aplikasyon sa pamamagitan ng www.tinyurl.com/DPRIFellowship kalakip ng kanilang pinakahuling curriculum vitae at ang istorya na plano nilang gawin para sa Fellowship. Kukuha ng 20 na mga Fellows ang DPRI at bibigyan ng seed grant ang bawat isang mapipili na nagkakahalaga mula P15,000 hanggang P30,000 for sa pagbuo at pagpublish ng nasabing artikulo.

Ang programa ng DPRI na tinawag na, “Putting People First – Media Fellowship for Humane Drug Policy,” ay bukas sa lahat ng media practitioners sa Pilipinas na nagnanais palakasin at hasain ang kanilang kakayanan at kaalaman sa paggawa ng mga istoryang may kinalaman sa droga gamit ang lente ng harm reduction – ang paniniwala na ang approach sa isyu ay naka-angkla sa karapatang pantao, kalusugan at hustisya; at ang paglalahad ng istorya na walang stigma at diskriminasyon.

Ang mapipiling Media Fellows ay tatanggap ng training, coaching, at feedback sessions mula sa kanilang kasama sa industriya at advocates. Ang Media Fellowship ay tatakbo mula Abril hanggang Mayo 2023.

Ang naturang Media Fellowship ay bukas sa lahat ng editors, reporters, photojournalists, anchors at news managers sa buong Pilipinas.

Ang buong mechanics ng naturang Media Fellowship ay makikita sa: https://tinyurl.com/DPRIFellowshipMechanics. VC