PINOY KARATEKA KAKAPIT SA NO. 1 WORLD RANKING

James De Los Santos

NGAYONG narating na niya ang ibabaw ng world virtual kata rankings, walang ibang layunin si Filipino karateka James De Los Santos kundi ang manatili roon hanggang makakaya niya.

Hindi naging madali para kay De Los Santos ang makuha ang number 1 spot dahil kinailangan niya ng pitong buwan at hindi mabilang na online competitions.

Kaya, aniya, nagsisikap siya na hamunin ang kanyang sarili at mapagbuti ang kanyang bawat performance.

“In those 7 months I really put a lot of effort and hard work into this, together with those really behind me all the way in this journey,” sabi ng  2-time Southeast Asian Games gold medalist.

“I’m still not complacent with just being the world number 1. I want to continue maintaining my spot and continue to train harder so that my performances will get better in the next tournaments to come.”

Comments are closed.