MASUSUBUKAN ang galing ng mga Pinoy sa martial arts sa pagsabak sa World Karatedo Championship sa Disyembre 5 sa Shanghai, China.
Sa pangunguna nina Filipino-American Orencio James ‘OJ’ de los Santos, Filipino-Jordanian Sharif Abib, at Davao-based Miyoki Tacay, makikipagsabayan ang mga Pinoy sa mga bigating kalaban sa buong mundo.
Sa isang ambush interview, inamin ni Abib na mabigat ang laban nila dahil world class ang competition, tampok ang mga karatekas mula sa mahigit 50 bansa.
“This is a world-class tournament. We are ranged against the best karatekas in the world seeking recognition and respect from their foreign peers,” sabi ng 25- anyos na veteran internationalist na ipinanganak sa Zamboanga sa inang Pinay at Jordanian father.
“We are not fazed and we are ready to face them. All of us are in top form physically and mentally. We seriously trained and prepared for this competition because our mission is to win and make the country proud,” ani Abib.
Kumpiyansa rin si Delos Santos sa kanyang tsansa na muling makapag-uwi ng karangalan at duplikahin ang kanyang tagumpay sa dalawang World Karatedo tournaments na ginawa sa Capetown, South Africa at sa Cebu.
“I trained hard sharpening and perfecting my skill because I am facing the best martial arts in my division,” wika ng 28-anyos na anak ng isang Cebuana at ipinanganak sa Seattle, Washington, USA.
Si Delos Santos ay beterano ng maraming international karatedo tournaments at consistent medalist sa Southeast Asian Games.
Sina Delos Santos, Abib at Tacay, kasama ang ibang miyembro ng national team, ay nag-training sa Netherlands at Germany.
Ang kampanya ng mga Pinoy ay suportado ng Philippine Sports Commission na pinamumunuan ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez at Philippine Olympic Committee bilang paghahanda sa 2019 Southeast Asian Games na gaganapin sa bagong gawang state-of-the-art sports complex sa New Clark City sa Capas, Tarlac.
Ang karatedo ay kasama sa combat sports na lalaruin sa 30th edition ng 11-nation biennial meet. CLYDE MARIANO
Comments are closed.