MARKAHAN ang inyong mga kalendaryo at maghanda na para sa darating na Pinoy Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs) Summit 2024 na gaganapin sa Hulyo 13 sa Music Hall, SM Mall of Asia, Pasay City.
Sa temang, “Innovate to Elevate: Empowering MSMEs for Sustainable Growth”, magsasama-sama ang mga kalahok mula sa mga organisasyong pampubliko at pribadong sektor, Small and Medium Enterprises (SME) agencies, mga eksperto sa negosyo, akademya at mga tagapayo upang ibahagi ang kanilang kaalaman sa pagtulong at pagbibigay kapangyarihan sa mga MSME na gamitin ang mga digital na teknolohiya para sa enhanced efficiency, inobasyon at paglago.
Inaanyayahan ng DTI-Philippines ang lahat na sumali para sa kaganapan na puno ng mga pagkakataon para sa paglago, networking at pagbabago.
Huwag ring palampasin ang pagkakataon upang makakuha ng mahalagang kaalaman at kumonekta sa mga kapwa negosyante.
Ayon sa ahensya, mga rehistradong kalahok lamang ang tatanggapin sa loob ng venue. kung kaya’t magparehistro ngayon sa pamamagitan ng link sa ibaba o i-scan ang QR code upang ma-secure ang iyong spot: https://tinyurl.com/NationalMSMESummit2024.
RUBEN FUENTES