KOWLOON – NAITALA ang panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Hong Kong.
Ito ay makaraang magpositibo ang isang Filipino worker sa nasabing sakit.
Batay sa ipinadalang report ng health authorities mula sa nasabing Chinese territory sa Filipinas, umabot na sa pitong overseas Filipino worker ang nahawahan ng COVID-19.
Nakikipag-ugnayan na ang konsulado ng Filipinas sa local authorities ng Special Administrative Region hinggil sa lagay ng mga pasyente.
Mahigpit naman ang panawagan ng Philippine government sa mga OFW na maging maingat upang makaiwas sa sakit. EUNICE C.
Comments are closed.