PINOY NA GUMINHAWA ANG BUHAY NABAWASAN

SWS-3

NATAPYASAN ng dalawang puntos ang mga adult Filipino na nagsasabing bumuti ang kanilang buhay.

Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), bumaba ito sa +11 sa 3rd quarter mula sa +13 noong second quarter ng 2019.

Isinagawa ang survey mula Setyembre 27 hanggang Setyembre 30 ng taong kasalukuyan.

Ayon sa SWS, 36% ng mga adult Filipino ang nani­niwalang guminhawa ang kanilang buhay at 25% naman ang nagsasabing mas hirap ang kanil-ang buhay sa huling 12 buwan.

Lumabas din sa survey na bumaba ng tig-isang porsiyento ang net personal optimists at economic optimists ng mga Filipino.     DWIZ 882

One thought on “PINOY NA GUMINHAWA ANG BUHAY NABAWASAN”

Comments are closed.