PINOY NA MAY IPON DUMAMI

SAVINGS

NADAGDAGAN ang bilang ng Filipino adults na may ipon at nabawasan ang nangutang noong 2017, ayon sa pag-aaral ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang porsiyento ng adults na may ipon ay tumaas sa 48 percent mula sa 43 percent noong 2015.

Ayon sa  2017 Financial Inclusion Survey, ang insidente ng pangungutang sa nasabing panahon ay bumaba sa 22 percent mula sa 47 percent.

Ang share ng consumers na humihiram mula sa informal sources ay bumaba sa 40 percent mula sa 72 percent.

Sa datos ng FIS, 22.6 percent ng adult population ang may formal accounts, mas mataas sa 22 percent na naitala noong  2015.

“Ownership of an account that can be used to save money, receive salary, send or receive remittance, and pay bills is a basic indicator of financial inclusion,” pahayag ng BSP.

Sa mga  financial institution, ang mga bangko ang may pinakamataas na account penetration sa 11.5 percent, kasunod ang non-bank institutions tulad ng  microfinance non-government organizations sa 8.1 percent, cooperatives sa 2.9 percent, at non-stock savings and loan associations, 0.3 percent.

Ayon pa sa central bank, 1.3 percent lamang ng adults ang may electronic money account.

Anim sa 10 ng 52.8 million Filipino adults na walang accounts ang nagsabing wala silang sapat na pera.

Ang iba pang ibinigay na dahilan sa hindi pagkakaroon ng account ay ang paniniwalang hindi ito kailangan, 21 percent; kawalan ng documentary requirements, 18 percent; high cost, 10 percent; kawalan ng kaalaman sa pagbubukas ng account, 9 percent; kawalan ng trabaho, 8 percent; at kawalan ng kamulatan, 8 percent.

Comments are closed.