PINOY NA MAY KASONG SYNDICATED ESTAFA NASAKOTE SA INDONESIA

NAARESTO ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group, Anti-organized Crime unit, National Central Bureau sa Jakarta, Indonesia INTERPOL at Indonesian Immigration ang isang matagal nang wanted na Pinoy dahil sa multiple cases ng syndicated estafa at swindiling sa Bali, Indonesia.

Ayon kay BGen. Nicolas Torre III, kinilala ang naaresto na si alyas Pantollana na matagal nang wanted sa Pilipinas.

Ang suspek ay naaresto sa Gusti Ngurah Rai Intenational Airport  noon pang Nobyembre 9, 2024.

Sinabi ni Torre na tinangka ng suspek na iwasan ang awtoridad at pasakay na ng eroplano patungong Hong Kong subalit napigil ito.

Ang pag-aresto kay Pantollana ay kasunod ng paglabas ng Interpol Red Notice.

Nitong Nobyembre 26 ay naayos na ang deportation ng suspek at ngayong araw ay inaasahang babalik na sa Pilipinas upang harapin ang kanyang mga kaso.

EUNICE CELARIO