DUMARAMI ang mga Pilipino na nabibiktima ng human trafficking at maging sa abroad dahil sa walang humpay na illegal online gaming operation sa social media ng mga miyembro ng sindikato sa loob at labas ng bansa, ayon sa pamunuan ng Bureau of Immigration.
Karamihan sa biktima ay pinagdi-disguised bilang turista at magkukunwaring magbabakasyon sa Thailand, Cambodia o kaya sa Myanmar.
Nitong nakalipas na Marso 8, isang Pinay ang hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI), sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3, at hindi pinayagan ng immigration officer na makasakay sa kanyang flight patungong Singapore, dahil sa kaduna-dudang kilos nito habang nasa immigration counter.
Sa isinagawang initial interview, inamin nito, na na-recruit siya thru offshore gaming company sa Thailand at napagkasunduan na makakatanggap ng 1,000 US dollar bawat buwan.
Kaugnay nito inatasan ng immigration ang lahat ng kanilang mga tauhan sa NAIA na maging vigilant, at doblehin pa ang pag-iingat upang hindi mapalusutan ng sindikato, lalo na ang mga turistang Pilipina na kaduda-duda ang layunin sa pupuntahan bansa. Froilan Morallos