JAPAN – NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga Filipino na nahawaan ng Coronavirus Disease (COVID-19) na naka-quarantine sa cruise ship makaraang umabot na ang kanilang bilang sa 27, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
“The Department of Foreign Affairs, through the Philippine Embassy in Tokyo, reports that as of 16 February 2020, the number of Filipinos on board who have tested positive for COVID-19 is at 27,” ayon sa pahayag.
Batay sa DFA, 16 na iba pang nakumpirmang nagpositibo sa naturang sakit na karagdagan sa 11 na nauna.
Ang cruise ship na Diamond Princess ay nakadaong sa Yokohama na may lulang isang Chinese na siyang unang na-detect na positibo sa nasabing virus.
Batay sa record, lulan ng cruise ship ang 538 Filipinos na crew members at kabilang sa nasabing bilang ay guest passengers. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.