PINOY NA NASA CONGO PINAG-IINGAT VS EBOLA VIRUS

Ebola Virus

NAIROBI – NANAWAGAN sa mga Pinoy ang Philippine Embassy na nakabase sa Nairobi  Democratic Republic of the Congo (DRC) na maglaan ng dobleng ingat dahil sa dumara­ming kaso ng ebola roon.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), umiiral ang outbreak ng ebola virus sa DRC at patuloy ang monitoring nito sa sitwas­yon.

Idineklara na ng World Health Organization ang ebola bilang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC) at inirekomenda ang pagpapatupad ng heightened health mea­sures sa DRC.

Umabot na sa 1,700 ang nasawi sa DRC mula nang mag-umpisa ang outbreak.

Ang Philippine Embassy sa Nairobi, na siyang may hurisdiksiyon sa DRC ang mga Filipino na laging maging maingat at magpatupad ng health safety precautions.

Sa latest na datos mula sa DFA ay mayroong 142 na Pinoy sa DRC. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.