FRANCE – DUMARANAS ngayon ng masungit na panahon partikular ang mataas na temperatura sa Europa, kaya naman labis na nahihirapan ang mga tao roon.
Lalo na’t maituturing na record-breaking ang nararanasang init na nagdudulot ng malawakang pagkasunog at pag-taas ng polusyon.
Batay sa Meteo-France weather service, kanila nang inalis ang red warning, subalit nanantiling tinaya ang “very hot day” kung saan aabot sa 42 degrees Celsius o 108 degrees Fahrenheit ang temperatura sa iba’t ibang bahagi ng Europa partikular sa France.
Dahil dito, pinag-iingat ang mga Filipino na nakabase sa France, Spain, Italy at iba pang bahagi ng central Europe na labis na tinamaan ng pinakamataas na temperatura.
Sa pinakahuling sukat ng temperatura ay umabot na sa 45.9 degrees Celsius ang init sa Gallargues-le-Montueux, isang village sa katimugan ng Gard na malapit sa Montpellier. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.