NEGATIBO na ang 29-anyos na residente ng Quezon City na naitalang kauna-unahang kaso ng UK variant COVID 19 sa Filipinas.
Sa kabila nito ay mahigit dalawang linggo pa na susubaybayan ang kondisyon ng real estate agent.
“The doctors at the quarantine facility where he is staying will make a final assessment before he is allowed to reunite with his family and reintegrate with the community,” base pa sa inilabas na pahayag
Magugunita na nagbalik ito sa Filipinas mula sa Dubai, UAE noong Enero 7 kasama ang kanyang kasintahan.
Sa pamamagitan ng contact tracing, 213 sa mga nakasalamuha ng lalaki ang natunton kabilang ang mga kapwa pasahero na sakay ng Emirates flight EK332 at 15 sa kanila ang nag-positibo sa COVID 19 pati na ang kanyang kasintahan na kasama sa kanyang biyahe.
Inaasahang malalaman mula sa Philippine Genome Center kung taglay rin ng mga nag-positibo ang UK variant ng coronavirus.
Comments are closed.