TUMAAS ang bilang ng mga Pinoy na nagsasabing masaya sila sa kanilang buhay ngayon, batay sa resulta ng ginawang pag-aaral ng Social Weather Station para sa unang quarter ng 2019.
Sa pinakahuling survey ng SWS, dumami ang mga Filipino na ikinokonsidera ang kanilang sarili na masaya sa unang bahagi ng taon.
Nasa 44 percent ng mga Pinoy ang ‘very happy’ sa kanilang buhay.
Limang puntong mas mataas ito kumpara sa 39 percent noong huling bahagi ng taong 2018.
Nasa 49 percent naman ang mga Pinoy na ‘fairly happy’ sa kanilang buhay.
Tumaas din mula sa 48 percent noong Disyembre ng nakaraang taon.
Habang 8 percent ang ‘unhappy,’ 7 percent ang ‘not very happy’ at 1 percent ang ‘not at all happy.’
Samantala, tumaas din ang bilang ng mga Filipino na nasisiyahan ang kanilang buhay.
Mula sa 34 percent noong December 2018, tumaas ang bilang sa 37 percent noong buwan ng Marso.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1, 440 Filipino adults mula Marso 28 hanggang 31, 2019. VERLIN RUIZ
Comments are closed.