NASA ligtas nang kalagayan ang isang Filipino na nasapol ng rocket attack sa Tripoli, ang kapitolyo ng Libya.
Ito ang kinumpirma ni Charge d’Affaires Elmer Cato, assistant secretary ng Department of Foreign Affairs (DFA) at sinabing nagsimula na ang pagpapaguwi sa mga Pinoy na nakabase sa nasabing bansa.
“Tuesday night’s rocket barrage struck areas where more than 200 Filipinos are located,” ayon sa statement ng DFA.
“The lone Filipino injured in the incident lives in a house hit by one of several rockets that rained on Tripoli before midnight,” batay naman sa post ni Cato sa Facebook.
PAMILYA AT KAANAK NG MGA OFW NA NASA LIBYA
PINAKIUSAPAN NA PAUWIIN NA ANG MGA MAHAL SA BUHAY
Dahil sa lumalalang sitwasyon, nakiusap na ang DFA sa mga kaanak at pamilya ng mga overseas Filipino worker (OFW) na nasa Libya na sila na mismo ang humimok na pauwiin na sa Filipinas ang mga ito.
Ikinabahala ni Cato ang kaso ng Pinoy na nasugatan at inaming nahihirapan silang kumbinsihin ang mga OFW na naroon.
“Despite all our efforts, we just could not convince them to take our offer to bring them home while we still can. We want to bring our kababayan home alive,” dagdag pa nito.
Kamakailan nang simulan ng DFA ang evacuation sa mga Pinoy na nasa Tripoli, kung saan dinala ang mga ito kalapit na bansang Tunisia.
Magugunitang noong Abril 8 ay itinaas ang alert level 3 sa krisis sa Libya na nangangahulugan ng voluntary repatriation sa mga OFW at sumunod na araw ay direkta nang pinauuwi ang mga ito dahil nagpapatuloy ang girian ng Government National Accord at Libyan National Army na pina-mumunuan ni Khalifa Haftar, ang karibal ni Libyan Prime Minister Fayez al-Sarraj.
Magugunitang noong isang buwan ay nakita ang troop movement sa Tripoli, kapital ng Libya, habang tumaas din ang tensiyon nang akusahan ni al-Sarraj si fa Haftar ng pagtataksil ukol sa opensiba ng militar sa nasabing lugar.
Naitatala ang civil unrest at labanan sa Libya nang mapatalsik ang dating Libyan leader na si Muammar Gaddafi. GELO BAINO
Comments are closed.