PINOY ONLINE MARKET ISINUSULONG PARA SA CREATIVE INDUSTRY

Leyte Rep Lucy Torres-Gomez

ITINUTULAK ni Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez ang paglikha ng Pinoy Online Market upang tulungan ang mga Filipino na mai-benta sa online ang kanilang creative arts, products at services na susuporta sa micro, small and medium-sized enterprises (MSMEs).

Sa  House Bill 8064 o Online Pinoy Creative Act ay inaatasan  ang Department of Trade and Industry (DTI) na lumikha ng online market platform para sa Filipino crafters, artisans, artists, musicians filmmakers, wellness providers, instructors, chefs, at iba pang nasa linya ng creative industry.

Ang Pinoy Online Market ay magsisilbing venue para makita ang mga customer at makapagbenta ng produkto o serbisyo.

Maaari ring makapaghatid dito ng physical goods at digital products gaya ng written documents o images, live stream events, taped film at video o live meetings at classes.

Sinabi ng kongresista na ang creative industry and economy ang isa sa mga pinakaapektado ng COVID-19 pandemic dahil kara-niwang may physical contact o interaction ang larangan na ito.

Bukod sa makatutulong ang panukala para makapagbigay ng alternatibong income source sa mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya ay makahihikayat din ito sa mga Filipinong nasa bansa at abroad na tangkilikin ang likha ng mga Pinoy na nasa linya ng creative industry. CONDE BATAC

Comments are closed.