MASUSUKAT ang kahandaan ng mga Pinoy sa Asian Games na gaganapin sa Agosto sa Indonesia sa kanilang pagsabak sa Asian Canoe Dragon Boat Confederation Championships sa Hulyo 7 sa Dali, China.
“This competition will determine how strong and competitive our paddlers in the Asian because they will be facing the same opponents in the Asian Games,” sabi ni coach Len Escollante.
Ayon kay Escollante, makikipaglaban ang mga Pinoy sa pabilisan sa pagsagwan sa mga paddler mula sa 15 bansa sa dalawang araw na torneo.
Aniya, ang kumpetisyon ay para sa mga kalalakihan at kababaihan subalit dahil mabigat ang laban, ang mga kalalakihan lamang ang sasabak.
“We send only the men’s team because they are strong and capable of winning honors. Hopefully, they would live up to expectations like they did in Russia, Canada, Chinese Taipei and Thailand,” sabi ni Escollante.
Kasalukuyang nag-eensayo ang mga Pinoy sa Paoay, Ilocos Norte bilang paghahanda sa nalalapit na Asian Games kung saan mapapalaban ang mga Pinoy sa malalakas na koponan, kasama ang China, Japan, Thailand, Chinese Taipei at host Indonesia.
Ang kampanya ng mga Pinoy sa China ay suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) na pinamumunuan ni Chairman William Ramirez, at ng Philippine Olympic Committee (POC).
Ang dragon boat ay isa sa mga sports na kayang magbigay ng karangalan sa bansa sa Asian Games at umaasa si association president Jonne Go na magagawa nila ito.
“Our paddlers won numerous honors overseas. I am pretty optimistic they will do it like they did in past overseas tournaments,” sabi ni Go. CLYDE MARIANO
Comments are closed.