FRANCE – MAIGTING na pinaalalahanan ng Embahada ng Filipinas sa Pransiya ang mga Filipino lalo na ang overseas Filipino workers (OFWs) laban sa mga pickpocket o mandurukot sa Paris.
Sa advisory ng Philippine Embassy, nakasaad na naging madalas ang insidente ng pagnanakaw at tahasang pangho-holdap sa nasabing lungsod sa nakalipas na tatlong taon kung saan ang pinakahuli ay noong Mayo 12.
Partikular na target ng mga kawatan ay mga namamasyal sa lungsod.
Gayunman, mga dayuhan din doon ang nagsasagawa ng pagnanakaw at sinasabing dahil naging open ang France mga katabing na bansa sa Europa, dumagsa ang mga iba’t ibang dayuhan.
Itinanggi naman na mga refugee ang nagsasagawa ng pagnanakaw.
Kabilang naman sa dapat pag-ingatan ay ang mga nagpapanggap na hotel roomboy kaya sinabihan na huwag mag-iiwan ng mamahaling gamit kapag lalabas. EUNICE C.
Comments are closed.