PINOY PLAYERS PATOK SA JAPAN

on the spot- pilipino mirror

PANAY ang rectruit ng Japan B.League ng mga Pinoy player.  Ang huling kinuha nila ay ang anak ni PBA legend Marlou Aquino na si Matthew Aquino na naglaro sa National University.

Si Aquino ay pinapirma ng tatlong taong kontrata ng Shinshu Brave Warriors. Maglalaro siya hindi bilang import kundi local player dahil isa siyang Japanese citizen  kung saan ang kanyang lola sa side ng kanyang Mama Shiela ay isang Haponesa.

Tuwang-tuwa  nga ang batang Aquino na makakasama siya sa Japab B. League. Gagawin niya ito  para sa kanyang pamilya. Go, Matt.

vvv

Tanggap na tanggap ng mga Japanese ang mga Pinoy player. Grabe ang dating ng magkapatid na Thirdy at Kiefer Ravena at ni  Kobe Paras.

Hindi rin nagpapahuli sina Ray Parks Jr., Dwight Ramos, at ang magkakapati na Juan at Gabi Gomez de Liano.

Katunayan ay may fans club na sina Thirdy, Kiefer, at Kobe. At ang mga t-shirt nila ay parang hotcake  sa bentahan. Kada laro ng mga team ng ating mga player ay laging puno ang venue. Congrats sa inyo.

vvv

Congrats sa Meralco Bolts sa magandang laro na ipinakita nila sa Philippine Cup. Matindi ang ipinakitang gilas ng mga player ni, coach Norman Black na nagpapakamatay sa bawat laro nila. Kaya nga nakarating sila sa semifinals.

Si Allein Maliksi ay ibinigay ang lahat ng kanyang makakaya para makatulong sa team, gayundin sina  Reniel Hugnatan, Fil-Am player Chris Newsome at Cliff Hodge.  Bawi na lang next time. Hindi n’yo pa siguro oras para maglaro sa finals.

vvv

Hindi raw papayag si coach Tim Cobe na ma-trade si Scottie Thompso. Hanggang  siya umano ang head coach ng Ginebra San Miguel ay ‘di malilipat si Thompson tulad ng nangyari kay Greg Slaughter na labag sa kanyang kalooban na i-trade ito. Ibig sabihin ay magmamatigas ngayon si coach Cone sa management. ‘Di magagalaw sa team si Scottie. Abangan.

10 thoughts on “PINOY PLAYERS PATOK SA JAPAN”

Comments are closed.