PATULOY na iwinawagayway ng tinaguriang Ppop kings SB19 ang bandila ng Pilipinas sa mundo at pagpapakilala ng OPM (Original Pilipino Music) sub-genre na Ppop sa paglabas ng grupo sa sikat na morning television show sa KTLA 5 News sa Hollywood, Los Angeles, California USA kamakailan.
Ang multi awarded boy band na SB19 ang kauna unahang Filipino artists at Southeast Asian Act na na-nominate sa prestihiyosong Billboard Music Awards sa Top Social Artist Category, at ang kauna unahang Southeast Asian na pumasok sa top 10 ng Billboard Social 50 and year end charts. Ang awit nilang “Bazinga” ay pumasok sa Billboard Hot Trending songs at sila ang kauna unahang Filipino artist na makapasok sa world chart at iba pang accomplishment.
Si Sam Rubin, anchor ng naturang programa ay ipinakilala ang grupo bilang “unstoppable group from the Philippines, who have shattered records, gained fans all over the globe”.
Matapos sabihin ni Rubin “that people here are enjoying very much the band,” sinang ayunan ito ni John Paulo Nase o mas kilala bilang “Pablo”, ang pinuno ng naturang Pilipino boy band.”Yeah.It was full house. So we are really, really amazed and overwhelmed with all the support that we received last time”, sabi ni Nase.
Matapos tanungin ni Rubin kung ano ang kahulugan ng “Pagtatag” na titulo ng kanilang album at ang kasalukuyan nilang isinasagawang world tour, ipinaliwanag ni Nase na ito ay patungkol sa kanilang journey bilang grupo.
“Pagtatag directly translates to strengthening. So it’s our second E.P.It’s like the turning of SB19 of how we grew as an artists. And how we’ve managed to overcome all the obstacles that we’ve been through. And, here we are right now.This is who we are now. We are SB19. And we are stronger, and we are bolder,” ayon kay Nase. Ang grupo ang nagtanghal ng sikat at viral nilang kantang “Gento” sa naturang morning show. Matatandaang Ang SB19 ay unang lumabas sa Fox television sa Good Day New
York sa Amerika ng taong 2022 sa kasagsagan ng kanilang WYAT World Tour concert tampok ang isa pa nilang sikat na kantang “Where You At”. Nagkaroon din sila ng kaliwa’t kanang interview sa media outfits sa US ng nakaraang taon.
Ang grupo ay nagtanghal din ng ilang awit mula sa kanilang album na Pagtatag sa Wish Bus performance USA sa California, nitong linggo kung saan ito ay muling dinagsa ng kanilang mga tagahanga.Sa kanilang panayam naman sa Wish Bus USA, ipinahayag nila ang kanilang pagkasorpresa dahil sa pagdami ng bilang ng mga banyagang tagahanga nila sa iba’t ibang panig ng mundo.
“Of course, we are surprised, you know.So grateful.Yeah. We are always grateful and we will always be grateful to our fans A’tin. It motivates us to do to more, give our 100 percent best coz their effort is just.There are no words to describe the efforts they give to us.That’s why, we are thankful everytime we see them. Every time we perform in front of them,” ayon kay John Felip Suson na kilala bilang “Ken” o “Felip, and base vocalist, isa sa lead dancer at rapper ng grupo at kilala sa napakababa nitong boses.
Inamin din ng grupong sila ay namamangha sa kanilang mga banyagang tagahanga na umaawit ng kanilang mga kantang Tagalog sa kanilang mga concerts.”That’s one of the amazing feeling that a foreign artist will get from a foreign fan. It is really hard to….Let alone memorize, but to understand the language. So we are really, really grateful and thankful to all of them. And you know what.This wouldn’t be able to, this won’t happen if not just because of SB19. But, now we started this movement with A’tin and our team. We are growing bigger and bigger. Our family A’tin is growing bigger and bigger. So, we are just really happy that step by step. Small steps, we are getting to the goal that we’ve been dreaming for so long,”sabi ni Nase.
“….Wherever we go.Whatever we release, we always incorporate the Filipino heritage or the Filipino culture in order to , you know,promote Filipino music, and put Ppop into the global map. So yeah.What I could say is that.What we had been trying is, we always have a meaning.On how we can effectively show people, who Filipinos are. Who SB19 is,” sabi ni Nase sa panayam sa Wish Bus USA matapos banggitin na nakikilala na ang Ppop sa mundo sa pamamagitan ng SB19.
Sa kasalukuyan, sila ay Youth and Sentro Rizal Ambassador ng Pilipinas sa National Commission for Culture and Arts (NCCA).
Ang SB19 ay kinabibilangan nina Pablo, Stell, Justin, Ken at Josh na nakilala dahil sa husay sa paggawa ng sarili nilang musika, pag-awit at pagsayaw. Sila ay kinaaliwan ng kanilang masigasig at lumalagong bilang na mga tagahangang Pilipino at mga banyaga sa fandom na kung tawagin ay A’tin , hindi lamang dahil sa kanilang talento, at dahil na rin sa kanilang istorya, at personalidad.
Ang SB19 ay unti unting nagiging bahagi ng paghubog ng kasaysayan ng bagong mukha ng industriya ng OPM sa loob ng limang taon na pagiging aktibo sa musikang Pilipino mula 2019, matapos sila ay buuin at i-train ng apat na taon ng isang Korean Company na Showbt. Sila ay naging self-managed at nagtatag ng sarili nilang kompanya na Izone Entertainment ng 2022 matapos ang kanilang kontrata sa Showbt.
Matapos ang matagumpay nilang sold out concerts sa Pilipinas ng mga nakaraang buwan. Sila ngayon ay nasa US ngayon para sa kanilang Pagtatag World Tour concerts. Matapos ang matagumpay na concerts sa Chicago, Dallas, at San Francisco ng mga nakaraang araw, ang grupo ay nagbusking at isinayaw sa kalye ng Hollywood Boulevard ang kanilang hit songs na “Gento”,”Crimzone” at “Bazinga” ngayong lingo , kung saan ay dinumog sila ng tao at nagmistulang street party pagkatapos.
Ang SB19 ay nakatakdang magtanghal sa New York City upang ipagpatuloy ang kanilang Pagtatag World Tour hanggang sa ilang siyudad sa Canada. MA. LUISA GARCIA