ISANG Filipinong pari ang nahalal bilang bagong lider ng Dominican mission sa buong mundo.
Hinalal bilang master of the Order of Preachers o mas kilala bilang Dominican Order si Fr. Gerard Francisco Timoner III na siyang kauna-unahang Asyanong hahawak sa nasabing posisyon.
Manunungkulan si Fr. Timoner sa loob ng siyam na taon.
Si Fr. Timoner ay nahalal sa isinasagawang General Chapter ng nasabing religious order sa Biên Hoà, Vietnam na siyang kauna-unahang meeting ng mga Dominican leader sa isang non-Christian country.
Bago ang kanyang eleksiyon, si Fr. Tominer ay nagsilbing socius o assistant for Asia and the Pacific ng outgoing master na si Fr. Bruno Caderè, isang French national.
Noong 2014, itinalaga siya ni Pope Francis bilang miyembro ng International Theological Commission, isang 30-member Vatican body na naatasang sumuri sa mga katanungan kaugnay sa doctrinal matters.
Si Fr. Timoner ay ipinanganak noong Enero 26, 1968 at isang tubong Daet, Camarines Norte.
Nang magtapos ng philosophy degree mula sa Philippine Dominican Center of International Studies at theology sa UST, siya ay inordinahang pari noong 1995.
Comments are closed.