IBIBIDA ng Pilipinas ang mga masasarap at sikat na produktong Pinoy sa magaganap na World Expo 2025 sa Osaka, Japan.
Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco, ang Expo 2025 ay gaganapin sa Yumeshima, Osaka mula April 13 hanggang Oct. 13, 2025 na inaasahang dadaluhan ng 28 million visitors mula sa ibat ibang bansa.
“To express our support for Japan, I am pleased to confirm that our President has approved our participation in the Expo 2025 in Osaka where the Philippines will show the best of the Filipino people,” ayon kay Frasco.
Itatampok sa Expo ang ilang native food delicacies ng bansa, wood at native products, marble products at marami pang iba mula sa mga lalawigan.
Nabatid na ang mga World Expo ay isa sa pinakamatagal at pinakamalaking international event na ginagawa tuwing ikalimang taon na tumatagal ng anim na buwan.
Una nang nakadalo ang bansa sa ilang expo sa Seattle, New York, Osaka, Brisbane, Vancouver, Seville, Hannover, Shanghai, at ang katatapos lamang na expo sa Dubai.
VICK TANES