ANG pagiging pamilyar sa ruta at hometown crowd ang dalawang mahahalagang bagay na magpapalakas sa mga Pinoy para dominahin ang cycling sa 2019 Southeast Asian Games.
“Kabisado nila ang ruta at dito sila nag-eensayo sa kanilang paghahanda sa SEA Games. Alam nila kung saan sila aatake at bubulagain ang mga kalaban. Secret ‘yan at hindi alam ng mga kalaban,”sabi ni coach Edz Hualda.
Ayon kay Hualda, ang mga ruta ay ang kaparehong ruta sa gaganaping final elimination sa buwang kasalukuyan para piliin ang mga siklista na sasabak sa biennial meet.
“Dito malalaman ang mga pangalan na maglalaro sa SEA Games. Tiyak na magpapakamatay ang mga kalahok para makasama sa national team na kakatawan sa bansa sa SEA Games,” wika n Hualda, asawa ni tour veteran at dating national mainstay Ronnel Hulda.
Mahigit 100 riders ang magtatagisan ng galing sa pagpidal sa 130-kilometer road massed start na dadaan sa mga bayan sa Cavite at Batangas.
Mag-uumpisa ang karera sa Cavite Convention Center at magtatapos sa Palace in the Sky sa Tagayay City.
Kasama sa mga prominenteng kalahok sina Asian Games at SEA Games veterans Ronald Oranza at Mark John Lexer Galedo, at tour campaigners Jan Paul Morales, El Joshua Carino, Ismael Grospe at Marcelo Felipe.
Sabi ni Hualda na iaanunsiyo ang official line up para sa SEAG sa Setyembre.
Ang cycling ay hindi nagpapahuli sa mga kumpetisyon sa pananalasa ng magkapatid na Rodolfo at Rolando Guaves, Diomedes Panton, Gerry Igos, Jomel Lorenzo, Rufo Dacumos,Edgardo Pagarigan, Joselito de los Santos, Victor Espiritu, Jessie Abaquita, Renato Mier, Santy Barnachea at Barcelona Olympian Norberto Oconer. CLYDE MARIANO
Comments are closed.