BIGYAN naman natin ng pansin si coach Jake Codamon. Matagal-tagal na rin siya sa larangan ng sports, especially basketball. Nag-aral siya sa UE Recto at naging manlalaro. Unang laro niya ay sa intramural ng Warriors at naging MVP ito. Dahil hindi nakasama sa lineup ng UE Varsity ay lumipat siya sa National College Business Administration o NCBA. Graduate si coach Codamon sa naturang school majoring BSBA Management.
Naging asst. coach siya sa De Ocampo College, then kinuha siya nina coach Alvin Grey at coach Jerry Codinera sa Arellano University. “Same group kami sa Team Imus sa MPBL,” aniya. Pagkatapos ay tinawagan si coach ni Jun Quinio, sports director ng NCBA na alma mater nito. Naging blessing kay Codamon na napasama siya sa team ng Cagayan Rising Sun ni coach Alvin Pua, PCBL, Phillipine Commercial Basketball League at ngayong 2019 ay naging asst. coach siya ni Coach Alvin Grey sa Trinity University of Asia para sa PBA D-League. At ngayon ay isa siya sa asst. coaches ng Nueva Ecija MiGuard sa MPBL na sa unang laro ng team nila ay nagpasiklab agad ito.
Pinaghahandaan ng NCBA ngayon ang QCCA o Quezon City Athletic Association, kung saan ilang beses na silang lumahok sa liga. Pero sa unang pagkakataon ay siya ang head coach. Competetive ang nabuo ni coach Jake dahil pawang 19 yrs. old pababa ang mga player niya na magiging palaban. Naghahanda na rin ang team nila para sa NAASCU o National Athletic Association of School, Colleges and Universities, gayudin sa NCRAA o National Capital Region Athletic Association.
“Una ay nagpapasalamat ako sa alma mater ko na pinagkatiwalaan ako na humawak ng basketball team dito sa NCBA. Gagawin ko naman ang lahat ng aking makakaya para matulungan ko po sila,” sabi ni coach Codamon na suporta ng kanilang athletic director na si Bong Miguel. Good luck, NCBA.
Gagawing advantage ng mga siklista ng bansa ang kanilang pagiging pamilyar sa mga tatakahing daan at ang home crowd para sa downhill mountain bike competitions sa 30th Southeast Asian Games.
Naniniwala si national downhill mountain bike coach Frederick Farr na ang dalawang factor na ito ay makatutulong upang masungkit nila ang gintong medalya sa biennial meet na gaganapin sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.
“Malaki ang pag-asa natin na maka-gold (sa SEA Games). Pipilitin natin na manalo para makapagbigay rin tayo ng karangalan sa bansa,” pahayag ni Farr sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros.
“Sa downhill mountain bike, kinikilala na rin tayong mga Filipino kahit bagong sport ito sa atin. May takot na rin ang mga kalaban,” dagdag pa Farr sa weekly public service program.