PINOY RIDERS MAPAPALABAN SA PRURIDE PH 2019 ROAD RACE

PRU RIDE 2019

MULING magkakaroon ng pagkakataon ang mga FILIPINO rider na makakuha ng kinakailangang puntos sa pag-asang magkuwalipika sa  Tokyo Olympics sa pagdaraos ng PRUride PH 2019 road race sa Subic sa Mayo 24-26.

Ang three-day event ay una sa professional race na isasagawa ng British life insurer Pru Life UK at isang  UCI 2.2 accredited stage race.

Ilang international teams ang ina­asahang lalahok sa torneo at mapapalaban sa local squads, ayon kay Pru Life UK Senior Vice President and Chief Customer Marketing Officer Allan Tumbaga.

Binanggit niya ang continental teams mula sa Hong Kong Canada, Australia, Indonesia, Sweden South Africa, Brunei, Korea, Vietnam, at Uzbekistan na kabilang sa mga kalahok.

“We expect something like 13-14 international teams to compete. So we’re quite excited about it,” wika ni  Tumbaga sa  Philip-pine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon sa bagong tahanan nito sa Amelie Hotel Manila.

“We’ll be exposed internationally. We are very confident that we are pushing ourselves to the limit, not only for the sake of staging it, but for our athletes so they can participate and compete, for them to have a better feel of how to compete internationally, and of course, to gain points,” aniya.

Nakahanda naman ang top local teams tulad ng Go For Gold at 711 sa kakaharaping hamon.

“The goal I think early on is mas masaya kung maraming UCI events dito sa Filipinas,” pahayag ni  Go For Gold team manager Jeremy Go sa forum na handog ng San Miguel Corp., Tapa King, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

“Hopefully we will have our best athletes gain valuable points for the country to get that elusive Olympic spot that we’re all aim-ing for.”

Sinabi ni  Rodriguez, team manager ng 711, na bukod sa pagkopo ng Olympic points, ang event ay bahagi rin ng paghahanda ng Filipino riders para sa Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nob. 30 hanggang Dis. 11.

“It is very important for us that PRUride will be one of the factors to prepare the Filipino riders. From this race, to Ronda Pilipinas earlier, to the national championship and Le Tour de Filipinas, from there we’ll be able to decide who are the Filipinos to represent the country in the SEA Games,” ani Rodriguez.

Comments are closed.