PINOY SA CAMBODIA PINAG-IINGAT SA PAGTAAS NG TUBIG

CAMBODIA

CAMBODIA – PINAALALAHANAN ang mga overseas Filipino worker (OFW) hinggil sa pagtaas ng tubig sa dam ng Cambodia matapos umabot na sa kanilang bansa ang tubig mula sa nag-collapse na massive hydropower dam sa kalapit na bansang Laos at nagdulot na ng pagbaha sa Cambodian province kung saan libo-libong residente ang lumikas.

Sinabi ng isang Flora Bell, Pinoy na nagtatrabaho sa Cambodia, may pagtaas na ng tubig sa road 3, Kandal province kung saan malapit ito sa Koh Kong province na kasalukuyan nang binabaha.

Labis aniya ang dasal ng mga Filipino roon na hindi umapaw ang tubig dahil marami sa kanila ang nagtatrabaho sa pinakamalaking factory na malapit lang sa dam.

Tinatayang 25,000 katao na ang inilikas sa northern Cambodian province dulot ng deadly dam collapse sa Laos.

Itinuturing ito na worst disaster na kinakaharap ng kilalang small Southeast Asian country sa lumipas na mga dekada ayon kay Laotian Prime Minister Thongloun Sisoulith.   PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.