PINOY SA FLORIDA PINAG-IINGAT VS HURRICANE DORIAN

HURRICANE DORIAN

USA – MAHIGPIT ang paalala ng Philippine Embassy sa mga overseas Filipino worker na mag-ingat at kung maaari ay lumisan sa Flori­da upang hindi mapahamak sa pagtama ng Hurricane Dorian.

Sa pahayag ng National Hurricane Center na ang nasabing bagyo ay isang “extremely dange­rous major hurricane” na tatama sa northwest Bahamas at Florida peninsula.

Inaasahan din ang storm surge at inaasahang aabot ang taas ng tubig sa 10 hanggang 15 feet (3 to 4.5 meters) sa northwestern Bahamas.

Itinaas na sa Category 4 hurricane si Dorian dahil sa expected wind gustiness na aabot sa 210 kph.

Sa kabuuan ay umaabot sa 145,000 ang mga Filipino na naninirahan sa kabuuan ng Florida. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.