PINOY SA FRANCE HINIMOK NA MAKIPAG-UGNAYAN SA GOBYERNO HINGGIL SA KALAMIDAD

PEYREHORADE

PEYREHORADE – NANAWAGAN ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Filipino community lalo na sa mga overseas Filipino worker na buksan ang kanilang komunikasyon sa embahada ng Filipinas kaugnay sa kanilang lagay kasunod ng ulat na patuloy na pag-ulan doon.

Sa ulat, dalawang senior citizen ang nasawi habang libong kabahayan ang nawalan ng supply ng koryente dahil sa patuloy na pagsusungit ng panahon na nagresulta ng malawakang pagbaha.

Labing-isang ahensiya ng gobyerno ang nasa orange alert  kasunod ng weather warning.

Ang isa sa nasawi ay 70 anyos, residente ng Pyrenees-Atlantique sa Basque Country, na nahulugan ng puno ang kanyang sinasakyan.

Sa Espiens sae Lotet-Garonne region, nasawi rin ang 76-anyos na babae nang tangayin siya ng baha.

Lima katao rin ang sugatan  makaraang mabagsakan ng puno ang kanilang sasakyan habang nasa 40,000 tahanan ang walang koryente. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

One thought on “PINOY SA FRANCE HINIMOK NA MAKIPAG-UGNAYAN SA GOBYERNO HINGGIL SA KALAMIDAD”

Comments are closed.