PINOY SA GUAM LIGTAS KAY MANGKHUT

Typhoon Mangkhut

USA – WALANG nabiktimang Filipino sa pananalasa ng typhoon Mangkhut sa Guam at sa Northern Mariana Islands.

Ayon kay Consul General Marciano de ­Borja walang nagpatalang kababayan sa kanila na nadisgrasya kaugnay sa nasabing kalamidad.

“Wala pa pong reported Filipino casualties or injuries sa Guam at Northern Mariana Islands,” ayon kay De Borja.

Nasa 43,000 Filipinos ang nasa Guam, batay sa record.

Aniya, ipinag-utos na ng Guam government ang pagsara sa mga paaralan at negosyo noong Lunes dahil sa matinding pag-ulan dulot ng ­typhoon Mangkhut.

“Ilang araw pa bago tumama… talagang nakapaghanda dito. Friday pa lang nagbabala na ang government ng Guam,” ayon pa kay De Borja.    PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.