PINOY SA HAWAII PINAG-IINGAT VS HURRICANE LANE

HURRICANE LANE

USA – PINAYUHAN ng Philippine Consulate General ang mga Filipino sa Hawaii na mag­handa at mag-ingat upang hindi mabiktima ng Hurricane Lane o matinding bagyo na nagbabanta sa buhay.

Sa advisory, nanawagan ng konsulado ng Filipinas sa Filipino community na ihanda ang 14-day emergency supply gaya ng water, non-perishable food that does not require cooking, radio, flashlights,spare batteries, whistle (to signal for help), personal items, medicines at children’s and pet’s needs.

Dapat umanong sundin ng mga Pinoy ang lahat ng babala na inisyu ng Hawaii State and Federal government authorities.

Batay sa ulat ng US Central Pacific Hurricane Center na category 4 ang Hurricane Lane, ang ika­lawang pinakamalakas na bagyo na mayroong lakas ng hangin na 250 km/h.  EUNICE C.

Comments are closed.