PINOY SA N. CAROLINA INATASANG IULAT ANG KARANASAN

Hurricane Florence

PASAY CITY – WALA pang hawak na ulat ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino na apektado ng Hurricane ­Florence.

Bagaman wala pang nag-report ay inaasahan nang mayroon ding mga kababayang nagsilikas.

Sa ngayon ay abala ang mga opisyal sa lugar para sa clearing operation ng mga kalsada kasunod ng pananalasa ng Hurricane Florence.

Ilang puno na humambalang sa mga daan ang pinuputol para madaanan muli ang ito.

Batay sa ulat, isang mag-ina ang patay sa Wilmington City matapos madaganan ng puno ang kanilang bahay.

Halos 600,000 tahanan unano ang wala pa ring supply ng koryente sa iba’t ibang bahagi ng US state.

Habang patuloy sa rescue operations sa ­ilang hindi lumikas sa kabila ng mandatory eva­cuation.

Sa kabila nito may ilang bahagi pa rin sa Southeast coast ang baha dahil sa storm surge.    PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.