USA – PINAIGTING na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbibigay ng paalala sa mga Filipino na nasa New Orleans dahil sa nararanasang pagbaha roon bunsod ng pag-ulan o Hurricane Barry (bagyo).
Ang nasabing bagyo ay ang unang tropical storm na tatama sa US ngayong taon.
Base sa taya ng National Hurrciane Center, na lumalakas ang bagyo habang ito ay nasa Gulf of Mexico at mas lalong lalakas pagdating ng Sabado o Linggo kung saan ito ay magla-landfall.
Nagpalabas na ng babala si Louisiana Governor John Bel Edwards sa kaniyang mga mamamayan na magsagawa na ng paglilikas.
Inilagay na rin nito sa state of emergency ang nasabing estado dahil sa inaasahang malawakang pagbaha at pag-ulan.
Inihanda na rin ng opisyal ang kanilang mga rescue teams bago ang pagdating ng nasabing tropical storm. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.