PINOY SA SAUDI LIGTAS SA DRONE ATTACKS

drone attack

NASA ligtas na kalagayan ang lahat ng mga manggagawang Filipino sa Saudi Arabia sa kabila ng drone attacks sa state-owned Saudi Aramco oil facilities nitong weekend.

Sa ipinalabas na statement ng Philippine Embassy sa Riyadh, sinabig walang Pinoy na nadamay sa pag-atake at kontrolado na ng Saudi government ang sitwasyon.

Sa kabila nito ay pinaalalahanan pa rin ng Philippine Embassy ang mga Filipino sa Saudi na manatiling kalmado at mapagmatiyag.

Patuloy naman ang isinasagawang monito­ring at pakikipag-ugnayan ng embahada upang masiguro ang kaligtasan ng mga Filipino sa Saudi Arabia.