NEGROS OCCIDENTAL – PINAIGTING pa ng Philippine Embassy sa Turkey ang bilin na mag-ingat ang mga Pinoy upang makaiwas sa banta ng COVID-19 matapos kinumpirma ni Health Minister Fahrettin Koca na isang Turkish citizen na nag-travel mula sa Europe ang unang nagpositibo sa nasabing deadly virus.
Ang pasyente ay isolated na habang ang kanyang pamilya ay isinailalim na sa quarantine.
Dahil dito, labis na nababahala aniya ang mga kababayang Filipino sa nasabing bansa, dagdag pa na hindi na rin papayagang mag-day off ang mga overseas Filipino worker (OFWs) ng kanilang mga amo kaugnay ng Covid 19 scare.
Palagi naman aniyang nagpapaalala si Philippine Ambassador to Turkey Raul Hernandez na umiwas na sa mga matataong lugar.
Magugunitang noong nakaraang buwan lang na sinarado ng Turkey ang border gates sa Iran, isa sa mga bansang pinaka apektado ng Covid 19 at kinansela din lahat ng Flights sa nasabing bansa. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.