CARACAS – BAGAMAN nasa krisis ang ekonomiya ng Venezuela, nananatiling maayos ang kalagayan ng mga Filipino na nakabase sa nasabing bansa.
Sa panayam ng isang local radio station sa isang Pinoy na nakabase sa nasabing bansa, hindi nila gaanong ramdam ang econom-ic crisis.
Sinasabing karamihan ng mga Filipino roon ay missionaries kaya’t may pondo ang mga ito galing sa kani-kanilang international organizations.
Gayunman, naitala na marami na ang umalis na Venezuelan sa kanilang bansa dahil na rin sa kakulangan ng basic necessities at trabaho dala ng pagsadsad ng ekonomiya.
Nakikipag-ugnayan na rin umano ang Embahada ng Filipinas sa Mexico kung saan sila napabilang.
Iniinda ngayon ng Venezuela sa ilalim ni President Nicolas Maduro ang hyperinflation kung saan ang current inflation rate sa bansa ay nasa 100,000 percent.
Nagdulot sa kakulangan ng supply at sobrang pagtaas ng mga bilihin na nagresulta sa pag-exodus ng nasa 2 milyong Venezuelans. EUNICE C.
Comments are closed.