INAASAHANG tataas ang bilang ng enlisted Filipino sailors sa oras na tuluyang maipatupad ang joint-supervision ng Maritime Industry Authority (MARINA) at Commission on Higher Education (CHED) sa mga maritime school sa bansa.
Ayon kay ACTS-OFW partylist Rep. John Bertiz, dahil sa pagdami ng Philippine-educated sailors, posibleng malagpasan pa ang 500,000 target ngayong taon na bilang ng sailors at staffs sa mga foreign ocean-going vessel, kasama na rito ang cruise ships at floating casinos.
Partikular na tututukan ng MARINA-CHED supervision ang kalidad ng edukasyon sa Bachelor of Science in Marine Transportation at Bachelor of Science in Marine Engineering.
Sinabi ni Bertiz na dapat matiyak ang patuloy na upgrade sa kalidad ng dalawang education programs upang masiguro ang ‘competitive edge’ ng mga idine-deploy na merchant ship officers sa global labor markets.
Ang mga graduate ng marine education programs sa oras na magkaroon ng lisensiya ay nagiging ship officers tulad ng masters, chief mates, officers-in-charge ng navigational watch, chief engineers, second engineers at officers-in-charge ng engineering watch. CONDE BATAC
Comments are closed.