(Pinoy sanayin sa tamang pagtatanim) 20K FARM SCHOOLS GAMITIN

Senadora Cynthia Villar-7

HINILING ni Senadora Cynthia Villar sa Department of Agriculture (DA) na tiyaking magkakaroon ng training component para matiyak na magiging matagumpay ang ‘Plant, Plant, Plant’ program ng gobyerno.

Isinusulong ni Villar, chairperson ng Committee on Agriculture and Food ang home gardening at urban agriculture bilang food security strategy para matiyak na may pagkukunan ng pagkain ang tao sa panahon ng kalamidad o health emergency tulad ng COVID-19 pandemic.

“For this program to be effective, we cannot just distribute seeds and let the people plant on their own. We should also have a program that will teach them the know-how of planting,” sabi ni Villar.

“The strategy is to let people see that growing food is a joyful undertaking by helping them make their planting projects thrive,” dagdag pa nito.

Dapat aniyang gamitin ng DA ang mahigit 20,000 farm schools sa bansa para sanayin ang mga tao sa tamang pa­raan ng pagtatanim.

Ang training program tulad ng Agri-crops production, na ginagawa ng Villar SIPAG Farm School tatlong beses kada taon sa pakikipagtulungan ng East West Seeds Foundation, ay makatutulong para magkaroon ng panimulang kaalaman ang mga tao sa pagtatanim ng gulay.

Bago ang pan­demya, mahigit 200 katao ang nakilahok sa programa. Ang mga sumali ay mga estudyante, senior citizen, young professionals, miyembro ng religious at civic grpups, community leaders at maraming pang iba.

Ang mga lumahok ay sumailalim sa libreng pagsasanay sa pagtatanim sa loob ng tatlong buwan na may 12 ses­yon at nagkaroon din ng graduation o pagtatapos at harvest activity o pag-aani.

Dahil sa pandemya, nilimitahan ngayon sa 20 ang mga sumali at hindi isinama sa programa ang mga kabataan, mga may edad na at iyong may mga isyu sa kanilang kalusugan.

“We can also do online training in order to cover more ground. We also encourage our agri-crops graduates to start giving online tutorials to family and friends on the basic instructions on home gardening,” sabi ni Villar.

Sa training program sa urban agriculture ay tuturuan din ang mga tao ng pagtatanim sa maliliit na espasyo o container at kung papaano sisimulan ang vertical garden.

Sa State of the Nation Address noong  Lunes, binanggit ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang P66 bilyong stimulus package na magpopondo sa  Plant, Plant, Plant program. Layunin ng proyekto na magbigay ng sapat at murang pagkain sa bawat Filipino.

Ayon sa DA, ang iba pang mga proyekto na popondohan sa ilalim ng ‘Plant, Plant, Plant’ program ay ang additional palay procurement fund  ng  National Food Authority;  Expanded SURE Aid and reco­very project;  Expanded agriculture insurance project;  Social amelioration for farmers and farm workers;  Upscaling of KADIWA ni Ani at Kita direct marketing program;  Integrated livestock and corn resiliency project;  Expanded small ruminants and poultry project;  Coconut-based diversification project;  Fisheries resiliency project;  Revitalized urban agriculture and gulayan project; Corn for food project; at Strategic communications project. VICKY CERVALES

5 thoughts on “(Pinoy sanayin sa tamang pagtatanim) 20K FARM SCHOOLS GAMITIN”

  1. 406133 568698Thank you for this. Thats all I can say. You most surely have created this into something thats eye opening and critical. You clearly know so a lot about the subject, youve covered so numerous bases. Fantastic stuff from this part with the internet. 42942

  2. 359960 661729Hello there! I could have sworn Ive been to this weblog before but right after reading through some of the post I realized its new to me. Anyhow, Im certainly happy I located it and Ill be book-marking and checking back regularly! 721241

Comments are closed.