JAPAN – ISANG Filipino seaman ang kabilang sa 10 katao na lulan ng cruise ship na pinaghihinalaang positibo sa novel coronavirus (nCoV) sa karagatan ng bansang ito.
Gayunman, sa ulat ng Reuters, ang sampu na ang tatlo ay Japanese, isa mula sa Hong Kong, dalawang Australian at isang American ay may malalang sintomas.
Ang infected patients ay nailipat na ng coast guard sa iba’t ibang ospital habang ang iba pang pasahero at crew ng Carnival Corp ship ay isinailalim sa quarantine.
Nag-ugat ang pagka-infected ng cruise ship na Diamond Princess nang sumakay ang 80-anyos na Chinese mula Hong Kong na nagpositibo sa tinaguriang Wuhan virus.
Ang nasabing nCoV positive na lolo ay bumaba sa Kagoshima, Japan noong Enero 22. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.