PINOY SEAMAN KASAMA SA DINUKOT SA GULF REGION

dinukot

IRAN – ISANG Filipino seafarer ang kabilang sa 23 tripulanteng sakay ng British oil tanker na hinaydyak ng revolutionary guard sa nasabing bansa sa Gulf Region.

Batay ito sa pahayag ni Erik Hanell, presidente at chief executive ng operator ng British oil tanker na Stena Impero.

Bukod sa Filipino, ilan din sa mga tripulante ng Stena Impero ay Indian, Russian at Latvian nationality.

Tiniyak naman ni Hanell na patuloy nilang tinututukan ang kaligtasan at kalagayan ng mga tripulante ng dinukot  na barko.

Una nang napaulat ang pagdukot sa Iran sa British oil tanker na Stena Impero matapos umanong isawalang bahala nito ang warning ng Iran revolutionary guard habang lumalayag sa maling direksiyon. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.