PINOY SEAMAN NASAWI HABANG HAWAK NG PIRATA

Hostage

ATHENS – NAWALAN ng silbi ang pagpalaya ng mga pirata sa kanilang mga dinukot na seamen nang masawi habang bihag nila ang isang Filipino seafarer dahil sa sakit.

Sa ulat, tatlong crew ng Greek oil tanker na Elka Aristotle ang pinalaya sa katubigan sakop ng Togo na bahagi ng West Africa.

Pahayag naman ng tauhan ng nasabing water craft na namatay ang hindi pa kinilalang Filipino dahil sa karamdaman.

Sa ulat, Nobyembre 4 nang atakehin ng pirate ang Elka Aristotle sa port of Lome.

Tumakas ang pirate makaraang dukutin ang dalawang Filipino, isang Greek at one Georgian.

Agad namang ihahatid sa Filipinas ang labi ng seaman gayundin ang isa sa nakaligtas habang pababalikin din sa kani-kanilang bansa ang dalawang iba pa.

Tiniyak din na iimbestigahan pa ang pagkamatay ng Filipino seafarer. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.